Viral na banda mula North Cotabato bumida sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2019 02:02 PM | Updated as of Mar 17 2019 04:33 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isang bandang binubuo ng mga estudyante mula North Cotabato ang nagpabilib ngayong Linggo sa musical-variety show na "ASAP."

Naunang hinangaan ng mga netizen ang Jammers Session Band nang mag-viral ang video na ipinost ng kanilang guro, tampok ang banda habang tinutugtog ang "You're The Inspiration" ng American band na Chicago. Umani ang naturang video ng higit 6 milyong views.

Sa entablado ng "ASAP" ipinakita ng Jammers Session Band — na binubuo nina Jemril Martin, Mark Magallon, Junreal Gonzaga, Fred Sales at Jerome Yabut — ang kanilang galing sa musika kasama sina Daniel Padilla, Jed Madela at Jason Dy.

Kasama ang banda, inawit ni Padilla ang kantang "Wonderful Tonight" ni Eric Clapton habang "You're The Inspiration" naman ang itinanghal kasama sina Madela at Dy.

Ayon sa grupo, sa kanilang paaralan sa North Cotabato sila nagkakila-kilala at matapos sumali sa isang "acoustic battle" ay nagtuloy-tuloy na ang kanilang pagbabanda.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.