PatrolPH

RECIPE: Sinigang na kabute at tokwa

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2020 01:41 PM

Watch more on iWantTFC

Isa sa maituturing na pinakamasustansiyang Pinoy dish ang sinigang, na tadtad ng mga gulay.

At sa gitna ng mga banta sa kalusugan, maaari kang maghain ng sinigang na kabute at tokwa, kung nais mong gawin itong mas masustansiya.

Sa programang "Umagang Kay Ganda" noong Biyernes, ibinahagi ng guest kusinero na si Tatung Sarthou kung paano magluto ng sinigang na kabute at tokwa.

Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:

• 2 hiwa ng luya
• 1 pirasong sibuyas
• 4 tasa ng hugas-bigas
• 1 tasa ng kabute
• 1 pirasong kamatis
• 1 taling kangkong
• 1 tasang tokwa
• 6 piraso ng hipon (optional)
• sampaloc
• patis

Paraan ng pagluluto:

Sa isang kaldero, magpakulo ng luya at sibuyas.

Isunod ang hipon.

Ilagay na rin ang ibang sangkap.

Pakuluin nang 2 minuto. Ihain pagkatapos.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.