Madalas na pagkatumba ng matanda, posibleng sintomas ng impeksiyon: doktor

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2019 03:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kapag madalas matumba ang taong may edad, posibleng sintomas ito ng impeksiyon sa katawan, ayon sa isang doktor.

Sa programang "Good Vibes" ng DZMM, ipinaliwanag ng geriatrician na si Dr. Marc Evans Abat na hindi lamang arthritis o pamamaga ng mga kasukasuan at buto ang dahilan ng pagkatumba ng matatanda.

"Madalas sasabihin 'pag natumba ang isang may edad, 'Ah mahina na tuhod.' Pero kung iisipin mo, maraming ibang puwedeng sanhi like infections," ani Abat.

"Mga infection sa mga may edad, puwedeng maging manifestations niya ay pagkatumba, natutumba palagi."

Ilan sa mga nabanggit ni Abat na maaaring dahilan ng pagkatumba ng may edad ay pulmonya na impeksiyon sa baga, at urinary tract infection na impeksiyon sa daanan ng ihi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.