PatrolPH

TIPS: Paano haharapin ang takot para maiwasan ang pagpa-panic

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2020 03:48 PM | Updated as of Mar 13 2020 09:19 PM

MAYNILA — Dahil sa patuloy na pagkalat sa bansa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), hindi maiwasan ng mga Pinoy na mangamba sa kanilang kalusugan. 

Dala ng takot, marami ang sumugod sa iba't ibang pamilihan upang mag-panic buying at mag-hoard ng mga bagay na labis sa kanilang pangangailangan. 

Pero paano nga ba harapin ang takot na ito upang maiwasan ang paggawa ng mga bagay na tila wala na sa katwiran?

"Iyong pinaka-basic na puwede nating gawin is for everybody to be aware kung saan galing ba 'yung panic, 'yung fear kasi minsan pag merong fear, hindi natin nari-realize na ito ay self inflicted," sabi ni Jinky Amores, isang family therapy and counsel psychologist sa programang "Good Vibes" ng DZMM. 

At kapag nagsimula na ang takot, madali itong magsanga-sanga sa ibang aspeto ng iyong buhay at sa ibang tao na rin. 

"Parang domino effect 'yan. Kapag natakot ka, matatakot na lahat... 'Yung fear na 'yun ay madaling makahawa," paliwanag ni Amores. 

Sabi ni Amores, mahalagang manatiling "in the moment" at huwag hayaang pangunahan ng negatibong pag-iisip.

"Ask yourself: Is this real? Is this happening now? [Kasi] how the mind thinks, the body follows... We have to ground ourselves."

Normal naman daw ang takot, lalo't lehitimo naman ang rason nito. Pero ani Amores, importanteng harapin ito agad-agad at huwag tulugan. 

"Normal na mag-worry pero huwag nating tulugan... Kasi kung hindi po natin nahuli 'yung fear na 'yun, kakatulugan natin so when we wake up, andon pa rin yung fear, lalong lalaki, dadami yung fear." 

Sa huli, payo ni Amores, manatiling positibo para maganda rin ang impluwensiya natin sa ibang tao. 

"It's better to influence positive thoughts to other people kaysa mas takutin ko pa sila... The energy you give off comes back to you," anang espesyalista. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.