Twin Falls sa Negros, nakagagamot umano sa sakit sa balat

Annie Perez, ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2017 02:50 AM

Dinudumog ang Twin Falls sa Neros Oriental dahil sa sulfur content ng tubig nito na nakagagamot umano sa sakit sa balat. Annie Perez, ABS-CBN

NEGROS ORIENTAL - Papalapit na ang summer. Best time para bisitahin ang natural na mga pasyalan sa Pilipinas na hindi pa gaanong nae-explore. 

Gaya ng Twin Falls sa Negros Oriental na bukod sa preskong tubig, may dagdag benepisyo pa dahil sa sulfur content.

Sabi ng tagapamahalang si Susan, marami ang naliligo sa falls dahil nakabubuti rin ito sa katawan. 

Meron kasing sulfur content ang tubig na nakatutulong umano sa pagtanggal ng mga sakit sa balat.

Ito rin ang dahilan kaya kulay pula ang mga bato sa paligid ng falls. May P50 na entrance fee para sa mga taga-barangay na nag-aalaga sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.