PatrolPH

SILIPIN: Kakaibang staycation houses sa Baguio City

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2020 01:49 PM | Updated as of Mar 12 2020 02:00 PM

Watch more on iWantTFC

Sa nalalapit na bakasyon, tampok ang ilang kakaibang bahay-bakasyunan o "staycation" houses sa Baguio City. 

"Contemporary vacation house" ang tema ng isang bahay-bakasyunan sa Lower Balacbac sa Baguio City. 

Pagpasok, makikita ang 2-storey classic at contemporary-designed house. Yari naman sa kahoy at salamin ang mga kasangkapan nito. 

May forest terrace ang basement, at pinalamutian ang mga kuwarto ng oil paintings mula pa England. 

Mayroon din silang garden terrace house na may garden at sky viewing dahil sa malalaking glass windows. 

May man-made waterfalls din ang tabi nito. 

Pagdating sa 10-metrong hanging bridge mararating ang twin-glass treehouse. 

May taas itong 30 talampakan at yari ang buong bahay sa salamin. Maaaring masilip ang 180 degree view ng sunset, sunrise, at forest. 

P7,000 hanggang P15,000 ang bayad ng 2 hanggang 6 tao kada gabi. 

Pero kung farm experience ang hinahanap, matatagpuan naman ang "Farm House Homestay" sa Barangay Bakakeng. 

Iba't ibang uri ng local herbs at gulay ang nakatanim sa loob at labas ng bahay. 

Maaari itong pitasin ng mga bsiita at ulamin habang nandoon. 

Pinalilibutan ng mga pananim na matatagpuan lamang sa Benguet ang mga dining at kitchen area sa bahay. 

P5000 ang singil ng farmhouse kada gabi. Kung may kasama, may karagdagang P500 singil ito. 

-- Ulat ni Maira Wallis, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.