PatrolPH

ALAMIN: Linis tips para iwas COVID-19 at iba pang sakit

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2020 08:14 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Patuloy ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, at nitong Huwebes ay umabot na sa 52 ang bilang ng mga nagpositibo sa sakit dito sa Pilipinas. 

Ayon sa mga medical expert, susi ang malinis na mga gamit at mga surface para maiwasang ma-expose sa coronavirus at ibang mikrobyo na nagdudulot ng sakit.

Pero iba ang paglilinis sa pag-disinfect, anila.

Ang paglilinis ay nakakatanggal ng germs at dumi kaya ‘yun muna ang unang gawin.

Isunod ang pag-disinfect. Ito naman ay paggamit ng kemikal para mapatay ang germs sa mga gamit at iba pang surface. 

May mga disinfectant spray na nabibili sa mga tindahan.

Mahalagang basahin ang instructions sa mga label sa likod para tama at mabisa ang paggamit.

Puwede rin ang bleach solution o halong tubig at bleach o kaya mga alcohol solution na di bababa sa 70 percent na alcohol.

Punasan ang mga doorknob, mga handle, mga lamesa, mga light switch, at keyboard.

Wag kalimutan ang mga common area gaya ng lababo at banyo.

Pag magtatapon ng basura, maghugas ng kamay pagkatapos.

Ang mga remote control na mahirap linisin, puwedeng isilid sa isang plastic para ‘yung plastic ang lilinisin.

Para sa mga cellphone, gumamit ng malambot na tela o wipe na may 70 percent isopropyl alcohol at dahan-dahang ipunas sa ibabaw ng phone. Wag gumamit ng bleach. 

Iwasang hawakan ang mga mata, ilong, at bibig kapag hindi malinis ang kamay.

—Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.