PatrolPH

RECIPE: Curry fried chicken

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2020 11:52 AM | Updated as of Mar 11 2020 12:19 PM

Watch more on iWantTFC

Sawa ka na ba sa ordinaryong fried chicken? 

Kung gusto ng mas malasang timpla ng iyong pinritong manok, maaari kang maglagay ng curry powder para gawin itong curry fried chicken - na taglay ang iba't ibang lasa dala ng spices. 

Ito ang ibinahagi ng guest kusinero na si Joebert Cañedo sa programang "Umagang Kay Ganda" ngayong Miyerkoles. 

Narito ang mga sangkap: 
• 1/2 manok (thigh fillet)
• 3 kutsara evaporated milk
• 1 kutsara garlic powder
• 1 kutsarita asin
• 1 kutsarita paminta
• 1/8 kilong harina
• 1 itlog
• 2 tasa breadcrumbs
• 3 kutsara curry powder
• 1/2 litrong mantika

Paraan ng pagluluto: 

Sa isang mangkok, paghaluin ang asin, paminta, itlog, harina, curry powder, garlic powder, at evaporada.

I-marinate ang manok sa ginawang mixture.

Matapos i-marinate, ilagay ito sa refrigerator sa loob ng 30 minuto.

Lagyan ng breadcrumbs at i-deep fry ito hanggang maluto.

Maaari nang ihain ang curry fried chicken. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.