PatrolPH

Liz Uy, ipinakilala sa publiko ang kanyang anak na si Xavi

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2020 03:12 PM | Updated as of Mar 11 2020 05:40 PM

Watch more News on iWantTFC

MANILA -- Ipinakilala sa publiko ng celebrity fashion stylist na si Liz Uy ang anak na si Xavi.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, isinama ni Liz ang kanyang baby boy para sa pagdiriwang ng kaarawan ng kaibigang si Bianca Gonzalez.

Ayon kay Liz, hindi niya makakalimutan ang suporta ni Bianca at pamilya nito sa panahon na may matindi siyang pinagdadaanan.

"Minsan kapag may pinagdadaanan ka, you just want to be on your own, wala munang kausap. She was there, her whole family. The fact lang that I know that she's on my side, she's there by my side that's like enough," ani Liz.

Nang matanong kung ano ang mensahe niya kay Bianca para sa kaarawan nito, sagot ni Liz: "As a momshie, ang wish ko na lang kay B is good health always and safety for you and your whole family. That's my greatest wish."

Watch more News on iWantTFC

Setyembre noong nakaraang taon nang ipagdiwang ni Xavi ang kanyang unang kaarawan.

Si Xavi ay anak ni Liz sa partner nitong si Raymond Racaza.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.