PatrolPH

ALAMIN: Paano gumawa ng homemade disinfectant?

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2020 12:34 PM | Updated as of Mar 11 2020 12:43 PM

Watch more on iWantTFC

Itinuturing na sandatang panlaban sa banta ng coronavirus disease 2019 ang pag-disinfect ng paligid. 

Kung hindi makapunta sa supermarket o hindi makabili, maaaring gumawa ng disinfectant gamit ang ilang sangkap sa bahay. 

Ibinahagi ng chemist na si Janir Datukan sa programang "Umagang Kay Ganda" ngayong Miyerkoles kung paano gawin ang iba't ibang klase ng homemade disinfectant. 

Para sa mga tela: 

Mga sangkap: 
• Spray bottle
• Tubig
• Suka
• 5 drops essential oils 

1. Ibuhos ang tubig at suka sa spray bottle. Ayon kay Datukan, dapat "equal parts" o magkatumbas ang dami ng inilalagay na tubig at suka sa bote. 

2. Lagyan ng essential oils. Alugin ang bote. 

3. Maaari nang i-spray ang disinfectant. 

Para sa tiles ng kusina at banyo: 

Mga sangkap: 
• 4 tasang mainit na tubig
• 1/2 tasang suka
• 1 tbsp baking soda
• 1 hiwa lemon

1. Paghaluin ang tubig, suka, baking soda, at lemon. 

2. Ilagay sa spray bottle. 

Kung gusto ng mas matapang naman na disinfectant, ayon kay Datukan, maaaring lagyan ng hydrogen peroxide o agua oxinada at suka ang lilinising bahagi ng bahay. 

Una dapat inilalagay ang agua oxinada at maghintay ng 5 hanggang 10 minuto. 

Pagkatapos, ilagay na ang suka at punasan ang lilinising bahagi ng bahay.

Paliwanag ni Datukan, hindi maaaring ipagsabay ang dalawa - hydrogen peroxide at suka - para maiwasan ang chemical reaction.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.