Alamin ang iyong kapalaran ngayong araw, sa tulong ni Master Hanz Cua. Screengrab
Ngayong araw ng Lunes, Marso 9, 2020, narito ang patnubay sa iyong kapalaran, sa tulong ng mga bituin, base sa taon ng iyong kapanganakan:
Year of the Rat
Balance ang kailangan. Gamitin ang emosyon at practicality sa pag-handle ng situwasyon sa trabaho.
•Lucky Color: Blue
•Lucky Number: 3
Year of the Ox
Umiwas sa mga taong naiinggit sa iyo. Marami silang ginagawa para masira ka sa mata ng iba.
•Lucky Color: Brown
•Lucky Number: 2
Year of the Tiger
Umupo sa northeast habang kausap ang kliyente dahil nandiyan ang success star. Ang masuwerteng oras ay alas-3 ng hapon.
•Lucky Color: Red
•Lucky Number: 4
Year of the Rabbit
Wealth money star ay activated. May extra income sa office. I-grab ang opportunity.
•Lucky Color: Yellow
•Lucky Number: 15
Year of the Dragon
Ipahinga muna ang puso. Huwag madaliin ang pag-ibig dahil baka masaktan ka lang muli.
•Lucky Color: Green
•Lucky Number: 12
Year of the Snake
Conflict day today. Tantiyahin ang katawan at huwag abusuhin. Magpahinga muna kung may nararamdamang pagod.
•Lucky Color: Blue
•Lucky Number: 11
Year of the Horse
Aminin at ipaalam sa kaniya ang tunay na nararamdaman. Alas-3 ng hapon mo siya kausapin habang nakaharap sa southeast.
•Lucky Color: Peach
•Lucky Number: 1
Year of the Sheep
Smile and good vibes ang nakakahawa sa iba. Gawin itong habit para magkaroon ng positive aura sa workplace.
•Lucky Color: Brown
•Lucky Number: 5
Year of the Monkey
Ang hinala sa kaniya ay ipakonsulta sa isang psychic tarot card reader.
•Lucky Color: Beige
•Lucky Number: 6
Year of the Rooster
Naiinis na siya sa lagi mong panunumbat. Umiwas sa misunderstanding star. Pag-usapan niyong dalawa ang problema.
•Lucky Color: Pink
•Lucky Number: 7
Year of the Dog
Isang pagsuyo at ngiti ang makakaayos ng samahan niyo ng barkada. Huwag pabayaan ang magandang friendship.
•Lucky Color: Violet
•Lucky Number: 8
Year of the Pig
Ikaw ang pinakamasuwerte today. May money star sa northwest. Love star naman sa southeast. Ala-1 hanggang alas-3 ng hapon ang masuwerteng mga oras.
•Lucky Color: Aqua
•Lucky Number: 9
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, tagalog news, Master Hanz Cua, kapalaran, Master Hanz, suwerte, zodiac