San Vicente beach sa Palawan humahatak ng mga turista

ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2018 05:22 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kung island-hopping at pagtampisaw sa malinaw at malinis na dagat ang hanap ngayong bakasyon, maaaring bisitahin ang Port Barton at ang 14 kilometrong Long Beach sa bayan ng San Vicente, Palawan.
    
Ang isang magkakaibigan mula sa Chile, nag-enjoy sa sun bathing sa beach.

"For the first moment, I think it's really, really nice, really quiet… this is really nice beach, I like it a lot," ani Claudia Barbarach, isa sa mga turista.

Sa tala ng Municipal Tourism Office, nasa 21,023 turista ang bumisita noong 2016, habang 26,377 turista naman ang dumagsa noong nakaraang taon.

Tiniyak ng lokal na pamahalaan na kaya nilang makipagsabayan sa ibang tourist destinations sa Palawan.

Ipinatutupad na rin ang kanilang tourism master plan para hindi maging problema ang basura, polusyon at kaayusan ng mga establisimyento.

May sinusunod rin aniya na 50:50 ratio ang mga nagmamay-ari ng lupa.

Ibig sabihin, 50 porsiyento lang ang puwedeng pagtayuan ng gusali at ang natitirang 50 porsiyento ay para sa open space.

May sinusunod din na taas ng establisimyento para hindi umano nagsasapawan sa pagtanaw sa dagat.
    
--Ulat ni Rex Ruta, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.