PatrolPH

RECIPE: Adobong pusit ala Pokwang

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2019 12:11 PM

Watch more on iWantTFC

Para sa ilang iiwas sa karne dahil sa Ash Wednesday ay maaaring subukan ang bersiyon ni Pokwang ng adobong pusit, na mas pinalasa niya gawa ng pinya.

Bumisita ang aktres sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Miyerkoles para ibahagi kung paano lutuin ang adobong pusit.

Ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

  • Pusit
  • Toyo
  • Suka
  • Gata ng niyog
  • Bawang
  • Sibuyas
  • Paminta
  • Dahon ng laurel
  • Pineapple juice
  • Pineapple chunks (optional)
  • Siling labuyo (optional)

[BOLD] Paraan ng pagluluto:

Igisa ang bawang at sibuyas.

Ilagay ang toyo, suka, at pineapple juice at pakuluan.

Isunod ang gata ng niyog, pakuluan ng 10 minuto.

Ilagay ang paminta at dahon ng laurel.

Huling ilagay ang pusit at pakuluan ng 15 minuto.

Ilagay ang pineapple chunks at siling labuyo sa ibabaw.

Maaari nang ihain ang adobong pusit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.