RECIPE: Adobong atay at balumbalunan

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2018 03:42 PM | Updated as of Nov 01 2018 05:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kakaibang twist sa sikat na Pinoy dish na adobo ang itinuro ng dalawang guest kusinera at mag-inang sina Joy ay Sofia Madriaga sa programang "Umagang Kay Ganda."

Imbes na karaniwang parte ng manok, ang pangunahing sangkap ng kanilang recipe ay mga lamang-loob na atay at balumbalunan. 

 Upang simulan ang paggawa sa adobong atay at balumbalunan, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

• 1/2 kilong balumbalunan
• 1/2 kilong atay
• 1/2 tasang cornstarch
• 5-8 pirasong dinurog na bawang
• 3/4 tasa ng tubig
• 1 tasang toyo
• 1 tasang suka
• 4 kutsarang mantika
• 3 pirasong itlog
• Asin
• Pamintang buo
• Dahon ng laurel

Dahil malansa ang balumbalunan, hugasan itong mabuti sa umaandar na tubig, lamasan ng asin, at pakuluan nang hanggang isang oras. 

Magpakulo ng itlog at itabi. 

I-coat sa cornstarch at iprito saglit ang atay upang tumigas.

Maggisa ng bawang at sibuyas. Ihalo ang pinakuluang balumbalunan at iprinitong atay.

Ilagay ang toyo, tubig, at 5 pirasong dahon ng laurel, at 1 kutsarang pamintang buo.

Hayaang kumulo sa loob ng 15-20 minuto.

Ilagay ang suka. Pakuluan muli hanggang sa matuyo ang sabaw. Ilagay ang hard-boiled egg at ihain. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.