Pia Wurtzbach, napaiyak dahil sa suporta ng kapatid

ABS-CBN News

Posted at Mar 04 2019 03:31 PM | Updated as of Mar 05 2019 01:25 AM

MANILA -- Hindi napigilan ni Miss Universe 2015 Pia Wutzbach ang maging emosyonal nang magpasalamat sa kanyang kapatid na si Sarah Wurtzbach-Manze.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, pinasalamatan ni Pia ang kapatid sa walang sawang suporta at pagmamahal nito para sa kanya.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ani Pia, hindi nawalan ng pag-asa at tiwala ang kanyang kapatid sa pagtupad niya ng kanyang pangarap na maging Miss Universe.

"Unang-una, maraming salamat for staying strong for me kahit 'yung mga panahon na akala ko ay hindi ako mananalo ever. Siya 'yung nag-push sa akin na sumali ulit. Nasa UK na ako noon, natalo na ako ng dalawang beses and siyempre 'yung financial situation ko rin noon ang hirap na. Talagang sabi niya go umuwi ka, i-try mo ulit, sumali ka sa Binibini," ani Pia.

"Siya rin 'yung nag-push sa akin na mag-Filipino designer ako. 'Yung paano ako magli-leave ng mark na kahit hindi ako manalo I left a mark on the Miss Universe stage. Sabi niya wear a Filipino designer. So, thank you so much na supportive ka. Kahit nung mga time na 'yon, 'yung mommy ko naman hindi na masyadong supportive kasi ilang beses siyang nasasaktan na natatalo ako. Siya (si Sarah) 'kaya mo 'yan, laban lang,' sinasabi niya sa akin 'yon," ani Pia na pinasalamatan din ang naging tulong pinansiyal noong mga panahong siya ay walang-wala.

Pinasalamatan din ni Pia ang kapatid dahil sa dagdag na miyembro ng pamilya na mayroon sila ngayon.
 
"Thank you for bringing Lara and Logan into my life because nagkaroon ako ng purpose ulit to dream more. Siyempre tapos na 'yung Miss Universe. 'Yung usual na tanong sa akin ng mga tao, what's your next dream? I guess one dream that will never go away is just to have like a happy family with you. I will always work for that, thank you," ani Pia.

Para naman kay Sarah, nagpasalamat siya sa hindi pagbabago ng kapatid sa kabila nang naabot nito. 

"She's still the normal girl that I grew up with na nasa Pasig lang kami, na wala kaming pera na kaming dalawa lang. Kahit may family na ako at may mga anak na ako, iba pa rin yung pagmamahal ko sa kanya," ani Sarah.

"She's my anti-depressant. She's my happy pill. Without her I feel like I can not make it in life. Talagang importante na may karamay. I love you so much, "dagdag ni Sarah.

Sa ngayon ay kasama ni Pia si Luis Manzano bilang mga host ng "World of Dance."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.