PatrolPH

Pagkakaisa ng mga Pinoy, Amerikanong sundalo noong WW2, tampok sa Manila exhibit

Abner Mercado, ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2020 11:36 PM

Pagkakaisa ng mga Pinoy, Amerikanong sundalo noong WW2, tampok sa Manila exhibit 1
George Calvelo, ABS-CBN News

Tampok ang pagkakaisa ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo noong World War II sa binuksang photo exhibit sa Maynila nitong Martes.

Binuksan ang "Allies for Freedom: Portraits of Filipino and American Courage in World War II" sa makasaysayang Fort Santiago, Intramuros.

Ang exhibit ay pinangunahan ng US Embassy na binuksan sa American Barracks sa loob ng Fort Santiago, isa sa mga bahagi ng Maynila na nadurog noong World War II kung saan magkasama ang mga sundalong Amerikano at Pilipino laban sa iisang kaaway.

"We see in these photos glimpses of the courage and determination and unconquerable hope that prevailed and brought victory. Here, we see iconic images well known from the US National Archives, as well as many images that were thought long lost -- Filipino guerrillas working side by side with American soldiers, and plan and conduct daring action to liberate the country." ani John Law, Deputy Chief of Mission ng US Embassy sa programang idinaos bago ang pagbubukas ng photo exhibit.

Pinili ngayong araw buksan ang exhibit at sa mismong Fort Santigao ilagay ang mga larawan dahil sa nakabalot na kasaysyan ng lugar. Pinasalamatan ni Law ang pakikipagtulungan ng Intramuros administration para maisakatuparan ang exhibit.

"It's a privilege to inaugurate this photo exhibit with you today March 3, exactly 75 years since the end of the Battle of Manila. During the month of intense terrible fighting, the city of Manila was devastated . . . 100,000 persons perished," ani Law. 

Kinilala rin ni Law ang mga dumalong beterano sa programa, gayundin sa kanilang mga naging ambag noong panahon ng digmaan. 

Dumalo rin sa programa si Senator Richard Gordon na personal para sa kaniya ang pag-alala sa nakaraang digmaan. Amerikano ang ama ng Senador na piniling yumakap sa pagiging Filipino.

"I was born with an American name like my father. Fifty percent American. All his brothers went to the United States, my grandfather a full-fledged American. Loved the Philippines and died here. I choose to be a Filipino citizen,” ani Gordon.

Pinangunahan ni Law, kasama sina Gordon at ang kinatawan ng Department of National Defense na si Undersecretary Ernesto Carolina ng Philippine Veterans Affairs Office ang paggupit ng ribbons para sa pagbubukas ng photo exhibit.

Ayon pa kay Gordon isang mahalagang kabanata ng kasaysayan ang digmaan kung saan magkasama ang dalawang puwersa ng mga sundalo.

"Because a country that cannot look back at the past cannot look forward to the future with hope and cannot get to our destinations." ani Gordon.

Anim na buwan ang photo exhibit na bukas sa publiko para sa mga mamamasyal sa loob ng Fort Santiago. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.