Iba’t ibang luto ng tapa tampok sa Pangasinan food fest

Elaine Fulgencio-Español, ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2018 11:52 PM | Updated as of Mar 04 2018 12:28 AM

Tapa Stroganoff Handout

Tapa Shawarma Handout

Tapa Steak with Teriyaki Sauce Handout

Tapa Kimbap Handout

Taco Bueno de Tapa Handout

Tapa Cordon Bleu Handout

MANGALDAN, Pangasinan—Iba't ibang klaseng luto ng tapa ang inihain sa mga dumalo sa Pindang Festival sa bayang ito ngayong linggo.

Ibinida ng Grade 10 student na si Angelu Aquino ang Mexican tacos na sinahugan ng tapa at 3 klase ng keso.

"May sarili po kaming timpla ng sauce at saka 'yung tapa namin may twist po sa lasa," ani Aquino.

Ginamit naman ng 57-anyos na si Salvador Austria ang tapa sa pagluluto ng ilang Japanese at Korean na putahe tulad ng teriyaki at samgyeopsal.

"First time ko gumawa nito. Talagang challenging kasi dati chicken teriyaki lang, ngayon tapa na," ani Austria.

Naghain naman ang ibang kalahok ng tapa cordon bleu, tapa stroganoff, tapa shawarma, tapa kimbap, at tapa kaldereta.

Layon ng pista na i-promote ang tapa na pangunahing produkto sa bayan ng Mangaldan.