PatrolPH

RECIPE: Papaitang baka

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2020 11:32 AM

RECIPE: Papaitang baka 1

MAYNILA — Swak ngayong malamig na panahon ang pagkain ng sinabawang putahe, halimbawa nito ang pinapaitang baka. 

Itinuro sa "Umagang Kay Ganda" noong Biyernes kung paano iluto ang nasabing dish. 

Narito ang mga sangkap: 
• 1 kilong lamang loob ng baka
• 1/2 kilong karne ng baka
• 1/4 cup mantika
• 1/4 cup beef bile or apdo
• 2 ulo ng bawang
• 1 sibuyas
• 1/4 cup ng luya
• 2 pc. siling haba
• 250 gramong kamias
• 1 tbsp. patis
• Spring onions
• Asin
• Paminta
• Tubig

Paraan ng pagluluto: 

Hugasan at lamasin ng asin ang lamang loob ng baka. Pakuluan ang lamang loob hanggang lumambot.

Alisin sa tubig at hiwain nang kwadrado. Itabi.

Igisa ang luya, bawang at sibuyas. Igisa din ang lamang loob.

Lagyan ng tubig. Lagyan ng asin at paminta, ayon sa panlasa.

Idagdag ang laman ng baka hanggang sa maluto.

Ilagay ang siling haba at unti-unting ilagay ang apdo para hindi sobrang pumait ang putahe.

Timplahan ng patis, ayon sa panlasa. Ilagay ang hiniwang kamias at spring onions sa ibabaw. Ihain.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.