ALAMIN: Health benefits ng puso ng saging | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Health benefits ng puso ng saging

ALAMIN: Health benefits ng puso ng saging

ABS-CBN News

Clipboard

Sabi nga sa isang sikat na linya, “Saging lang ang may puso.”

Ang puso ng saging o banana blossom ay bumubuka rin at namumukadkad para maging bunga, at ayon sa isang doktor ay marami itong benepisyo sa kalusugan ng tao.

Hitik sa mga bitamina at mineral na pampalakas ng resistensiya ang puso ng saging, kabilang ang Vitamin A, Vitamin C, Vitamin E, amino acids, calcium, magnesium, sodium at potassium, ayon sa integrative medicine specialist na si Jaime Galvez Tan.

Nakabubuti rin umano ang puso ng saging sa puso ng tao.

ADVERTISEMENT

“Nakakatanggal siya ng kolesterol, bara-bara sa ating mga puso... natutunaw niya at pinalalakas niya ang, sabihin natin, tamang pagtibok ng puso,” ani Tan, na dating kalihim ng Department of Health.

Nakatutulong din daw ang puso ng saging para sa mga taong hirap sa pagdumi o constipated.

Nagbabala si Tan na huwag ibilad sa araw ang puso ng saging dahil nawawala raw ang mga bitamina at mineral nito.

Pero hindi lamang puso ng saging ang nakabubuti sa tao dahil maging ang saha o balat ng puno nito ay mabisa rin umanong pantanggal ng lagnat.

Ang dahon naman ng saging ay hindi lang pambalot sa pagkain dahil kapag pinainitan, nakatutulong umano ito para mawala ang lamig sa katawan ng tao.

Mainam na pangontra rin laban sa mga virus at bacteria ang saponin at tannin na taglay ng dahon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.