Paano nagsimula ang negosyo ni Liza Soberano?

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2018 04:20 PM | Updated as of Mar 02 2018 04:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ibinahagi ni Liza Soberano ang kuwento sa likod ng kanyang negosyo, ang Hope Hand and Foot Wellness, sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes.

Ayon kay Liza, ang kanyang tiyahin na nasa ibang bansa ang nagbigay-inspirasyon sa kanya na itayo ang wellness center na matatagpuan sa Quezon City. 

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano) on

"I guess nag-start po siya kasi I was taping every day, madalas po akong nagkakasakit. Parang I was seeking more to my life, na parang it's tiring at some point and you don't know how to unwind and relax. 

"So, parang I want to look for an alternative not only to make me happy, but also to make me feel better about myself physically. So she (my tita) suggested essential oils. So I started going into essential oils. Nag-practice na rin akong mag-meditate, mag-yoga, and stuff like that," ani Liza.

Naisip din ng aktres na kailangang may puso at may hangaring makatulong sa iba ang itatayo niyang negosyo.

"Sabi ko, ayaw ko 'yung business ko na parang maging regular na business lang. I want it to have a heart and a purpose to help other people. So naisip ko, bakit hindi wellness spa para makatulong din ako sa mga taong nai-stress din sa work at napapagod?" kuwento niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.