TINGNAN: Mga produktong pampaganda, alak, mula sa strawberry

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2018 03:54 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa pag-arangkada ng Strawberry Festival ngayong Marso, tampok sa La Trinidad, Benguet ang iba't-ibang produkto na gawa sa strawberry.

Ibinida ng pamilya ni Lorna Jane Ayupan ang beauty products na gawa sa nasabing prutas.
    
Nagsimula umanong gumawa ng mga produktong pampaganda ang kaniyang anak para malutas ang kaniyang problema sa balat.

Nakagawa na sila Ayupan ng mga hand-made na produkto, gaya ng whipped strawberry cream body scrub, feminine wash bar, at limited edition na strawberry shortcake soap.

Bukod sa beauty products, patok din ang strawberry wine.

Sa isang pagawaan ng wine sa La Trinidad, dalawang taon umanong pinoproseso ang strawberry wine para masigurong de kalidad ang matitikman ng kanilang mga kostumer.

"We don’t hauler the wine, it’s natural strawberry, it’s very clear, without any color at all," ani John Avila, gumagawa ng strawberry wine. 

Ilan lang ang mga produkto na ito sa mga itatampok sa 'strawberry lane' kasabay ng Strawberry Festival.

Inaasahang dadayo sa La Trinidad ang nasa 100,000 turista para sa nasabing pista.
    
--Ulat ni Marianne Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.