RECIPE: Beef stew

ABS-CBN News

Posted at Feb 29 2020 03:58 PM | Updated as of Feb 29 2020 04:25 PM

MAYNILA - Naghahanap ng ihahandang ulam para sa pamilya ngayong weekend? 

Maaaring subukang magluto ng beef stew, na tadtad ng sustansiya at halo-halong lasa ng baka at iba't ibang spices. Ang recipe nito ay ibinahagi ng chef na si Merle Mañalac. 

Narito ang mga sangkap: 

  • 1 kilong beef sirloin
  • 1 kutsaritang asin
  • 1 kutsaritang paminta
  • 3 kutsaritang olive oil
  • 2 puting sibuyas
  • 1 bawang
  • 1 kutsarang balsamic vinegar
  • 2 kutsarang tomato paste
  • 2 kutsarang oyster sauce
  • 2 kutsarang cornstarch
  • 2 kutsarang red wine
  • 2 tasang beef broth
  • 2 pirasong beef cubes
  • 6 tasang tubig
  • 2 bay leaves
  • 1 kutsaritang thyme
  • 2 pirasong carrots
  • 1 pirasong patatas
  • Asukal

Paraan ng pagluluto: 

I-marinate ang baka sa asin at paminta nang isang oras.

Igisa sa bawang at sibuyas ang baka. Ilagay ang suka, oyster sauce, red wine, at tomato paste.

Hayaang lumambot hanggang 2 oras. Puwedeng gumamit ng pressure cooker.

Pakuluan nang 45 minuto para lumambot.

Kapag malambot na ang baka, ilagay ang carrots, patatas, thyme, at dahon ng laurel.

Lagyan ng cornstarch para lumapot. Timplahan ng asukal ayon sa panlasa. 

Hayaan nang ilang minuto bago ihain.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.