Kasal na tinututulan ng mahal sa buhay, dapat bang itigil?

ABS-CBN News

Posted at Feb 29 2020 03:16 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - May pagkakataon talaga na may mga miyembro ng pamilya o mga kaibigan na tutol sa pagpapakasal ng kanilang anak sa kasalukuyang partner. 

Kung ganoon man, iginiit ng mag-asawang Edna at Enjie Vargas, mga marriage counselor ng Worldwide Marriage Encounter Philippines, na dapat sundan ang puso maliban na lang kung talagang may mali. 

Bagama't anila maganda pakinggan ang punto ng mga magulang, ayon kay Enjie, nasa desisyon pa rin ng magkasintahan kung itutuloy nila ang kanilang pagmamahalan. 

"The final decision naman talaga doon sa magpapakasal. Sabi nga ng mga matatanda sila nga ang magsasama, 'yun ang mga clichés pero kung talagang naka-anchor ang iyong relasyon sa pag-ibig, sabihin mo nang bulag ang pag-ibig, talagang ipaglalaban mo," ani Enjie sa programang "Sakto" ng DZMM. 

Para kay Edna, kung tingin na "secure" o safe sa kinakasama, mainam na ipagpatuloy ang relasyon. 

"At that moment kasi ito ang security ko eh," paliwanag niya. 

Kung pinayagan pero binigyan ng magulang ng kondisyon ang pagpapakasal, ipinayo ni Enjie na huwag magpapadala sa mga gusto nila. 

"'Yung mga frills na gusto nila hindi [dapat] papayagan because of [your want also for] financial stability," aniya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.