Miss Universe Catriona Gray may payo sa 'Binibini' aspirants

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2019 08:41 PM | Updated as of Feb 28 2019 10:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATE) Nagbigay ng payo si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga nais sumunod sa kaniyang yapak at sumali sa 2019 Binibining Pilipinas.

"A lot of it is gonna be about keeping my friends and family close because I feel like it's always important to have people around you that you trust that can kind of keep you in check," ani Gray.

Isa sa hinangaan kay Gray ay ang pagbuo nito ng sarili niyang "Team Catriona" na umalalay sa kaniyang pagsabak sa Binibining Pilipinas at sa Miss Universe.

Marso aarangkada ang aplikasyon at sa Hunyo gaganapin ang coronation ng Binibining Pilipinas, na siyang humahawak sa prangkisa ng malalaking pageant sa buong mundo kabilang ang Miss Universe. 

Kaya ngayon pa lang, ratsada na sa training ng mga nais sumabak sa Binibining Pilipinas. 

Rumampa na ang applicants sa beauty camp ni Rodgil Flores ng Kagandahang Flores o KF, isang tanyag na beauty camp.

Sa ilalim ng beauty camp ni Flores nag-train si Miss Intercontinental 2018 Karen Gallman. 

Libre ang serbisyo ng ilang pageant trainors pero kailangang tustusan ng candidate ang mga personal na gastusin tulad ng damit at make-up.

Inaabangan naman kung sasali ang mga "pageant" repeaters na sina Wynwyn Marquez, Aya Abesamis, at Vickie Rushton.


—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.