RECIPE: Chicken Halang-Halang

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2018 02:19 PM | Updated as of Feb 28 2018 03:32 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hilig ng mga Pinoy ang anumang putaheng manok pero kung paulit-ulit ang luto ay maaari nila itong pagsawaan.

Sa programang "Umagang Kay Ganda," itinuro ng guest kusinerong si Chef George Sarabosing kung papaano lutuin ang kakaibang putaheng Chicken Halang-Halang, na mas tanyag umano sa Visayas. 

Upang simulan ang paggawa sa Chicken Halang-Halang, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

• 1/2 kilo ng chicken breast
• 2 tasa ng gata ng niyog
• 1 pirasong puting sibuyas
• 1 kutsarang dinurog na bawang
• 1 pirasong luya
• 2 kutsaritang chili powder 
• 4 tali ng tanglad
• 1/2 pirasong papayang berde
• 3 kutsarang patis
• 1/2 kutsaritang paminta
• 1/2 tasang mantika

Unang maggisa ng puting sibuyas, bawang, at luya.

Ihalo ang manok at hintayin itong maging golden brown. 

Ilagay ang gata. Kapag bahagyang kumulo na ay ihalo ang tanglad o lemon grass at papaya. 

Pakuluan sa mahinang apoy hanggang matuyo nang bahagya ang gata. 

Lagyan ng chili flakes ayon sa nais na anghang. 

Timplahan ng paminta at patis, depende sa panlasa. 

Kapag malambot na ang papaya ay maaari na itong ihain.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.