Para sa araw na ito, Pebrero 28, 2018: Patnubay sa iyong kapalaran

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2018 11:15 AM

Ngayong araw ng Miyerkoles, Pebrero 28, 2018, narito ang patnubay sa iyong kapalaran, sa tulong ng mga bituin, base sa taon ng iyong kapanganakan:

Watch more in iWantv or TFC.tv

Year of the Rat
Ugaliing magtago ng mga resibo ng mga binibiling gamit dahil may maghahanap niyan sa iyo.

Year of the Ox 
May accident star sa chart mo kaya maging alerto sa paligid.

Year of the Tiger
Huwag maging sobrang mabait dahil inaabuso ka na nila.

Year of the Rabbit
Maraming project ang magagawa mo at maganda ang magiging output ng mga iyan.

Year of the Dragon 
Huwag ipaubaya sa ibang tao ang trabahong inatas sa iyo ni boss.

Year of the Snake
Magiging challenging ang araw na ito para sa iyo.

Year of the Horse
May mga mali mang desisyong magawa, may dahilan naman bakit nangyari 'yan.

Year of the Sheep
Mabilis ang pasok ng kaperahan sa iyo.

Year of the Monkey
Hintayin munang kumalma ang bawat isa bago kayo mag-usap.

Year of the Rooster
May malaking problema kang kakaharapin at kailangan mo ng tulong ng iyong magulang.

Year of the Dog
Ibigay ang iyong best sa paggawa ng iyong trabaho. 

Year of the Pig
Maraming blessings ang matatanggap mo kaya matutong magpasalamat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.