PatrolPH

Catering crew sa E. Samar, nagluto't nagsilbi pa rin sa kanilang wedding reception

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2022 02:33 PM

Larawan mula kay Aboy Abayan
Larawan mula kay Aboy Abayan

Sa isang wedding reception nitong Sabado sa Lauaan, Eastern Samar, kapansin-pansing nakasuot ng wedding gown ang tatlong babaeng nagsisilbi ng pagkain sa mga bisita.

Bagaman joint wedding reception pala nila ito, pinili pa rin nilang sila ang magluto at mag-serve sa kanilang mga bisita.

Ang tatlong babae ay parehong nagtatrabaho sa iisang catering service sa bayan, at may mga partners ring mula sa nasabing catering. 

Matapos ang pagsasama sa loob ng walo, 16 at 20 taon, ikinasal ang tatlong pares sa kaparehong araw matapos hikayatin ng head ng catering service.

Itinaon nila ito ngayong buwan ng Pebrero, na tinatawag na love month.

Ibinahagi ni Aboy Abayan, pamangkin ng may-ari ng catering service, ang ilang litrato sa okasyon, mula sa simbahan hanggang sa wedding reception.

Larawan mula kay Aboy Abayan
Larawan mula kay Aboy Abayan

— Ulat ni Jenette Fariola-Ruedas

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.