Bilang pasasalamat: Mga saging alay ng estudyante sa ulirang teacher

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2020 05:26 PM | Updated as of Feb 27 2020 08:55 PM

MAYNILA — Ibinahagi ni Bayan Patroller Ryan James Dueñas ang kaniyang kuhang larawan kung saan makikita ang kaniyang estudyante na may dalang saging bilang tanda ng pasasalamat sa kaniyang pagtuturo. 

Saging ang alay ng isang estudyante sa kaniyang guro bilang tanda ng pasasalamat dito. Retrato mula kay Bayan Patroller Ryan James Dueñas. 

"After our Prelim Activities and 30-minute Reading Intervention, there was this --- this scenario that touches my heart to really appreciate how little act of kindness from your learner creates emotional impact," ayon sa Facebook post ng guro.

Kuwento ni Dueñas, nangyari ito noong Pebrero 20 sa Masalon Y. Recto Elementary School sa Sarangani Province. 

Kinilala niya ang bata bilang si Manuel Baton, 8, at kasalukuyang Grade 3. 

Bilib si Dueñas sa sipag at dedikasyon ni Baton sa pag-aaral lalo pa't inaabot daw ito nang mahigit isang oras sa paglalakad para lamang pumasok sa paaralan.

Kahit daw mahirap ang sitwasyon ni Baton ay hindi ito lumiliban sa klase. Mahusay din daw ito sa mathematics.

Kasalukuyang umabot na sa 8,000 ang shares ng naturang post ni Dueñas. 

May ilan na rin ang nagbigay at nagpahayag ng intensyong matulungan si Baton.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.