Catriona Gray balik-Tondo para sa mga bata ng 'Young Focus'

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2019 08:57 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pagkatapos ng mga parada, concert, at sari-saring TV guesting ay inilaan naman ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kaniyang araw sa mga adbokasiyang malapit sa kaniyang puso.

Unang binisita ni Gray nitong Miyerkoles ang Young Focus Child Care Center sa Tondo, Maynila.     

Matatandaang ibinida ni Gray ang organisasyon sa kaniyang music video at sa mismong Miss Universe pageant. 

"I'm so happy to be here... Sana I made you guys proud... It's always been in my heart to help my Young Focus family," sabi ni Gray.

Sinulit niya ang oras at kumanta pa kasama ang mga bata. 

"This young lady started a revolution, to work with us and join a beauty pageant and use that platform," ayon kay Ann Van Wijgerden, founder ng Young Focus.
    
Binisita rin ni Gray ang advocates, volunteers, at pasyente ng Love Yourself para sa kaniyang HIV/AIDS awareness advocacy. 

Personal niyang kinausap ang ilang persons living with HIV (PLHIV) para palakasin ang kanilang loob at pag-usapan kung paano pa mapapaganda ang kanilang buhay.

Mga pulang rosas naman ang sorpresa kay Gray ng mga bata ng Abot Kamay Alang-alang sa Pagbabago (AKAP) sa St. Peter's Church sa Quezon City. 

Pangako ni Gray, patuloy siyang magbibigay ng tulong at boses sa mga batang tinuturing niyang kapamilya. 
    

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.