Panagbenga Grand Float Parade sa Baguio City, dinagsa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lifestyle

Panagbenga Grand Float Parade sa Baguio City, dinagsa

Panagbenga Grand Float Parade sa Baguio City, dinagsa

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 26, 2023 07:06 PM PHT

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2023/life/02/26/20230226-panagbenga-festival-bs2.jpg
People watch during the Panagbenga Festival 2023 grand float parade in Baguio City on February 26, 2023. Basilio H. Sepe, ABS-CBN News

(UPDATE) Dumagsa ngayong Linggo sa Session Road sa Baguio City ang mga turista para matunghayan ang Panagbenga Grand Float Parade.

Ang ilan sa mga turista'y sa Session Road na nagpalipas ng gabi para magkaroon ng magandang puwesto sa panonood ng parada, gaya ng pamilya ni Rowena Mina mula Cabanatuan City na nagtayo ng tent.

"Sulit na sulit po kasi ng panonood at napakaganda ng mga karosa," ani Mina.

Dalawampu't apat na float na tadtad ng iba't-ibang bulaklak ang pumarada sa ilang mga pangunahing kalsada ng Baguio City mula alas-8 hanggang alas-11 ng umaga.

ADVERTISEMENT

Ang tema ngayong taon ng Panagbenga ay "A Renaissance of Wonder and Beauty," ayon sa Baguio City Flower Foundation Inc.

May mga float na may disenyong hango sa pelikulang "Aladdin," mga hayop, bus at iba pa.

Ayon sa Baguio Flower Festival Foundation Inc., nasa 300,000 ang dumagsa para manood ng float parade.

"The Grand Float Parade is more than just a stunning display of artistry, it is a testament of our collective identity," ani Baguio Mayor Benjamin Magalong.

Watch more News on iWantTFC

Tinilian din ang mga artistang sakay ng float tulad nina Lovi Poe at Marco Gumabao.

Dumalo rin sa pagdiriwang si Sen. Imee Marcos at Lito Lapid, Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.

"Sigurado ako na talagang bonggang-bongga itong piyesta natin. It’s very clear that the tourists are back... we see that Bagio City is back in business," ani Marcos.

"This festival also promotes eco-tourism and sustainable practices emphasizing the importance of preserving the natural beauty of the region for the future generations to enjoy," ani Frasco.

Ayon sa Panagbenga Festival Organization 2023, magtatagal ang floats bilang display sa Melvin Jones Grandstand hanggang sa March 6, 2023 upang masilayan pa ito ng ibang mga turista.

Sa March 5 iaanunsiyo ang mga mananalo sa Grand Float Parade. Sa parehong araw din na ito pormal na tatapusin ang selebrasyon ng Panagbenga 2023 sa pamamagitan ng Grand Aerial Fireworks display sa Session Road at Burnham Park.

Ipinagdiriwang tuwing Pebrero ang flower festival na Panagbenga.

— Ulat ni Mae Cornes at ng Bayan Mo iPatrol Mo

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.