PatrolPH

'Happy Walk' idinaos para sa mga batang may down syndrome

Karen de Guzman, ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2023 11:08 AM

Nakisaya ang mga batang may down syndrome sa 'Happy Walk' event sa SM Mall of Asia, Pasay, bahagi ng pagdiriwang ng National Down Syndrome Consciousness Month nitong Pebrero.
Nakisaya ang mga batang may down syndrome sa 'Happy Walk' event sa SM Mall of Asia, Pasay, bahagi ng pagdiriwang ng National Down Syndrome Consciousness Month nitong Pebrero.

MAYNILA — Higit 400 kabataan na may down syndrome ang nakiisa ngayong Linggo sa 'Happy Walk' event sa isang mall sa Pasay City.

Ito ang culminating activity ng Down Syndrome Association of the Philippines Inc. (DSAPI) para sa pagdiriwang ng National Down Syndrome Consciousness Month ngayong Pebrero.

Layon umano ng event na maiangat ang kamalayan ng mga tao tungkol sa down syndrome.

Sa event, may mga interactive booth na puwedeng paglibangan ang mga bata. 

Highlight din ang parada, kung saan naglakad ang mga bata kasama ang kanilang pamilya paikot ng SM Mall of Asia. Ito'y para makita umano ng ibang tao kung paano sila makitungo sa iba at maipakitang hindi sila naiiba.

Maliban sa Pasay, nagsagawa rin ng "Happy Walk" sa Bacolod, Cebu, Davao at Cagayan de Oro.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.