TINGNAN: Mala-enchanted na Bantang River, agaw-atensyon sa Antique

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2021 03:21 PM

Tila picture perfect ang Bantang River na bubungad sa mga paakyat ng Mt. Madjaas sa Culasi sa Antique. Larawan mula kay Ompz Felicio

Agaw-atensyon ngayon sa mga hiker at mountaineer ang napakagandang ilog na makikita patungong Mt. Madjaas sa Culasi sa Antique.

Ang ilog na ito ay ang Bantang River na picture perfect ang dating dahil sa mala-enchanted na itsura.

Tila picture perfect ang Bantang River na bubungad sa mga paakyat ng Mt. Madjaas sa Culasi sa Antique. Larawan mula kay Ompz Felicio

Ayon sa mga mountaineer at hiker, napakalamig at napakalinis ng tubig sa ilog. 

Isa ito sa mga inaasam na makita ng mga umaakyat ng bundok dahil sa kagandahan nito.

- Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.