RECIPE: Ginataang manok

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2020 12:25 PM | Updated as of Feb 25 2020 12:35 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ngayong may pangamba sa iba't ibang sakit, mainam na panlaban ang masustansiyang pagkain, gaya ng masasabaw na ulam. 

Halimbawa rito ang ginataang manok, na siksik sa lasa at mga bitaminang taglay ng mga gulay gaya ng malunggay at kalabasa. 

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Martes ang guest kusinero na si Noel Abad para ibahagi kung paano magluto ng ginataang manok. 

Narito ang mga sangkap:
• 1 Bawang
• 1 Sibuyas
• 5 kutsaritang luya
• 1 kutsaritang asin
• 1 kutsaritang paminta
• 1 kutsaritang patis
• 1/4 kilogramong kalabasa
• 1 tasa dahon ng malunggay
• 500 milliliter gata ng niyog
• 2-3 kutsarang mantika
• 1 kilogramong manok

Paraan ng pagluluto: 

I-marinate ang manok ng isang oras sa juice ng luya.

Iprito ang manok hanggang mag golden brown. Itabi

Igisa ang bawang, sibuyas, at ang natirang hiniwang luya.

Ilagay ang napritong manok at patuloy na haluin at takpan pakuluin hanggang limang minuto.

Timplahan ng asin, paminta at patis. Haluin at hayaang kumulo.

Isunod ang gata ng niyog (pakuluin ng sampung minuto)

Kapag malapit ng maluto ang manok, isunod ang kalabasa at ang malunggay.

Dagdagan ng tubig. Takpan at hayaang maluto.

Maaari nang ihain ang ginataang manok. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.