BALIKAN: Ilang eksena sa homecoming concert para kay Catriona Gray

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2019 08:19 PM | Updated as of Feb 25 2019 09:18 PM

Inirampa ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kaniyang lava-inspired gown sa kaniyang homecoming concert sa Quezon City noong Linggo. Mark Demayo, ABS-CBN News

Umapaw ang Pinoy pride sa Araneta Coliseum, Quezon City noong gabi ng Linggo dahil sa tribute concert para kay Miss Universe 2018 Catriona Gray, na pinamagatang "Raise Your Flag."

Opening pa lang, pasabog na ang pagtatanghal ng bigating Kapamilya singers na TNT Boys, at sina Jed Madela at Morissette Amon.

Watch more in iWant or TFC.tv

Lalong napuno ng hiyawan ang Big Dome nang rumampa si Gray at ipinamalas ang kaniyang iconic "lava walk."

Naging daan din ang okasyon para magsama-sama ang ipinagmamalaking Pinay beauty queens na lumaban sa Miss Universe gaya nina Pia Wurtzbach, Rachel Peters, Maxine Medina, Mary Jean Lastimosa, Shamcey Supsup, Ariella Arida, at Venus Raj.

Mapapanood ang mga eksena ng "Raise Your Flag" sa Marso 10 sa Sunday's Best ng ABS-CBN Channel 2.

Nakuha ni Gray noong Disyembre ang korona ng Miss Universe sa pageant finale na idinaos sa Bangkok, Thailand.

Ito ang ikaapat na beses na Filipina ang nag-uwi ng korona kasunod nina Pia Wurtzbach noong 2015, Margie Moran noong 1973, at Gloria Diaz noong 1969. -- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.