Catriona Gray mainit na sinalubong ng fans sa Milan

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2020 11:38 AM | Updated as of Feb 24 2020 01:14 PM

Mainit na sinalubong si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang pagpunta sa Milan, Italy.

Dumalo ang beauty queen sa taunang Milan Fashion Week.

Ibinahagi ng isang fan sa kanyang Instagram account ang dagsa ng mga tao na gustong masilayan si Catriona.

Kasama ni Catriona sa Milan sina Vicki Belo at nanay na si Mita para dumalo at manood sa fashion shows.

Ito ang kauna-unahang pagdalo ni Catriona sa Milan Fashion Week. 

Watch more in iWant or TFC.tv

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.