Sekyu na nagpabilib sa pagbirit tampok sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2019 03:24 PM | Updated as of Feb 24 2019 04:16 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Hanep ang boses at damang-dama ang hugot.

Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga salitang naglalarawan kay Roy Limcaoco, ang singing security guard ng Davao Occidental na pinahanga kamakailan ang mga netizen sa video ng kaniyang pagkanta ng “She’s Gone” ng American band na Steelheart.

Nabigyan ng pagkakataon si Limcaoco na ipamalas ang kaniyang talento sa “ASAP” kasama sina Piolo Pascual, Jed Madela, Jason Dy, KZ Tandingan at Janine Berdin.

Inawit nila sa programa ang “She’s Gone,” at ang mga kantang “Goodbye” and “I Can Wait Forever” ng Air Supply.

Ayon kay Limcaoco, bata pa lamang ay hilig na niya talaga ang musika.

“Noong bata pa ako mahilig ako makinig ng radyo. ‘Yon po ‘yong libangan ng tagaprobinsiya,” aniya.

Kuwento pa niya, 12 anyos pa lang siya nang unang sumabak sa singing contest.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.