PANOORIN: Artist kumikita sa pag-repaint ng mga manyika

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2020 03:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Mula sa pagiging libangan, nagsilbi na ring pandagdag-kita ng artist na si Jan Mecca Roño ang pag-repaint sa mukha ng mga manyika.

Nasa P1,000 hanggang P1,500 ang halaga ng kada repaint ni Roño at nakaka-5 hanggang 8 manyika siya kada buwan.

“Kapag nagugustuhan ng clients ko ‘yong gawa ko, natutuwa ako. Bukod sa hobby ko na ‘to, parang ito na rin ‘yong way of relaxing ko,” ani Roño sa panayam ng programang “Matanglawin.”

Kadalasan ay ball-jointed doll ang pinipinta ni Roño.

Bukod sa pagpinta, ginawa na ring specialty ni Roño ang paggawa ng mga mata ng mga manyika gamit ang resin, clay, beads, at UV light.

“For me, kapag maganda ‘yong mata ng manyika, mas nagmumukhang realistic siya,” sabi ng artist.

“Feeling mo buhay siya, feeling mo nangungusap,” dagdag niya.

Taong 2017 nang unang beses mag-repaint si Roño ng manyika.

“Hindi naman ako masyadong mahilig sa dolls before pero may mga lumang manyika dito sa bahay, dapat itatapon na namin. Kaso na-realize ko na parang sayang naman,” kuwento niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.