PatrolPH

DOST: 'Pukpuklo' seaweed, maaaring makatulong sa laban sa cancer

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2019 05:23 PM | Updated as of Feb 23 2019 06:37 PM

DOST: 'Pukpuklo' seaweed, maaaring makatulong sa laban sa cancer 1
Bukod sa Ilocos, matatagpuan din ang pukpuklo sa Aklan, Iloilo at Cagayan. ABS-CBN News

Ang paboritong seaweed ng mga Ilokano ay maaaring makatulong sa paglaban sa cancer, ayon sa isang pag-aaral.

Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), napatunayang maganda sa kalusugan ang pagkain ng pukpuklo sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik sa University of Santo Tomas.

Ayon sa pag-aaral, nilalabanan ng pukpuklo ang enzymes na nagpapakalat ng cancer sa katawan.

Ang nakukuhang polysaccharides mula sa pukpuklo ay binubuo ng carbohydrates tulad ng starch at cellulose ay nakakatulong sa katawan para lumakas at masuportahan ang cells at tissues.

Nakakatulong din ito sa sakit sa balat, goiter, at isa ring mabisang anti-aging.

Ang pukpuklo ay kadalasang gingawang salad kasama ang kamatis. Patok din itong pulutan.

Bukod sa Ilocos, matatagpuan din ang pukpuklo sa Aklan, Iloilo at Cagayan.

Mabibili ang pukpuklo tuwing Nobyembre hanggang Marso, mga buwan na hindi masyadong maalon sa dagat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.