Homework o pahinga: Alin dapat ang inuuna ng bata pag-uwi mula klase?

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2020 07:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nakasanayan na ng ilang magulang na agad ipagawa sa anak ang takdang-aralin nito pagkarating ng bahay. 

Pero paalala ng parenting expert na si Tina Zamora, mas mainam munang pagpahingahin ang anak bago ito pagawain ng kaniyang homework, lalo na't pagod ito galing eskuwelahan. 

"Dapat sana pagdating nila ng school, pakainin, paglaruin, ang nangyayari kasi homework muna. Hindi nila alam ang brain ng bata. Imagine mo buong araw siya nasa school tapos bibigyan mo pa agad ng homework," ani Zamora sa programang "Sakto" ng DZMM. 

"Kasi kung pagod na ang brain ng anak mo, tapos pag-aaralin mo wala rin, sayang ang oras," paliwanag niya. 

Para sa mga preschool students, ayon kay Zamor, dapat wala muna itong homework. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.