RECIPE: Pork Binagoongan

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2018 03:57 PM | Updated as of Feb 22 2018 06:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinagbigyan ng programang "Umagang Kay Ganda" ang request ng manonood na si Christina Leyson mula Tondo, Maynila na matutunan ang recipe sa putaheng pork binagoongan.

Kasama mismo si Leyson sa studio, itinuro ng guest kusinerong si Chef Regor Dumlao kung papaano lutuin ang malinamnamn na ulam.

Upang simulan ang paggawa sa pork binagoongan, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

•Baboy (liempo)
•Toyo    
•Kalamansi
•Bagoong alamang
•Kamatis
•Sibuyas
•Bawang
•Siling pansigang
•Talong 
•Mantika
•Suka
•Asukal

Ibabad ang liempo sa toyo at kalamansi buong gabi. Iprito at itabi. Sunod na iprito ang talong at itabi rin.

Maggisa ng bawang, sibuyas, kamatis, at siling pansigang. 

Isunod ang bagoong alamang. 

Dagdagan ng suka bilang pampatagal at pampatanggal ng lansa. 

Hayaang kumulo ang bagoong sa suka. Huwag hahaluin dahil mahihilaw ang bagoong. 

Pag naluto na ang suka ay ilagay ang panimpla at asukal. 

Ihalo na ang liempo at talong. Maaari nang ihain ang pork binagoongan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.