TFC News

Pilipinas nakilahok sa 28th Thai International Travel Fair

Annalyn 'Apol' Mabini | TFC News Thailand

Posted at Feb 20 2023 02:47 PM | Updated as of Feb 20 2023 03:15 PM

BANGKOK, THAILAND - Nakilahok ang Pilipinas sa ika-28 Thai International Travel Fair o TITF na ginanap sa Queen Sirikit National Convention Center sa Bangkok, Thailand noong February 16 hanggang 19, 2023.  

Pinangunahan ni Philippine Department of Tourism’s ASEAN Market Development Division Head Ms. Gwendolyn S. Batoon ang PH delegation sa four-day international travel fair habang opisyal na binuksan ni Thai Tourism and Sports Minister Mr. Phiphat Ratchakitprakarn ang pagsisimula ng nasabing event.

Thailand
(top 5th from the left) Thai Tourism and Sports Minister Mr. Phiphat Ratchakitprakarn | (bottom) Ang Philippine pavilion sa ginanap na 28th Thailand International Travel Fair | Ms. Gwendolyn S. Batoon (rightmost in photos on the left and center)

Ayon pa sa Embahada ng Pilipinas sa Thailand, ang TITF ay inilunsad ng Ministry of Tourism and Sports kasama ang Thai Travel Agents Association o TTAA para magbigay ng one-stop avenue para sa mga travel and tour operators at mga biyahero kung saan inihahandog ng mga airlines, travel agencies, hotels at transportation companies ang kanilang mga serbisyo at produkto. 

Itinuturing na isa sa malalaking tourism events ang TITF na layong makahikayat ng mga turista sa holiday break kung saan ang Tourism Department ng Pilipinas ang isa sa main sponsors ngayong taon.