RECIPE: Sesame chicken stir-fry

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2020 12:32 PM | Updated as of Feb 20 2020 12:41 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Patok sa Asya ang pagluluto ng stir-fried dishes, o mga putaheng ginagamitan lang ng kaunting mantika.

Kung trip kumain ng manok, maaari mong subukang magluto ng sesame chicken stir-fry. 

Bumisita sa programang “Umagang Kay Ganda” ngayong Huwebes ang guest kusinero na si William Ong para ibahagi kung paano magluto ng putaheng ito. 

Sangkap para sa manok:
• 1 kilong manok
• 1/8 tasang Japanese soy sauce
• Asin
• Puting paminta
• Sesame oil
• Dahon ng sibuyas
• 4 kutsarang cornstarch

Sangkap para sa sauce: 
• 1 luya
• 2 butil bawang
• Onion leeks
• Red at green bell pepper
• 1/8 cup Japanese soy sauce
• 4 kutsarang honey
• 2 kutsarang hot sauce
• 1 kutsarang sesame seeds
• 1 kutsarang sesame oil
• Hot Sauce

Paraan ng pagluluto: 

Sa isang bowl, timplahan ang manok ng toyo, asin, puting paminta, sesame oil, dahon ng sibuyas, at cornstarch.

Sa isang kawali, iprito ang manok hanggang mag-golden brown at maluto ito.

Kapag luto na ang manok, ilagay ang luya, bawang, onion leeks, at red at green bell peppers.

Isunod ang Japanese soy sauce, honey, hot sauce, at sesame oil. 

Pakuluin hanggang kumapit ang sauce mixture sa manok. 

Huling ilagay ang sesame seeds at onion leeks.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.