Mga kandidata ng Bb. Pilipinas 2020 sumabak sa dance workshop

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2020 11:33 AM

Dance workshop at tamang projection sa pagrampa ang tinutukan kahapon ng 40 mga kandidata ng 2020 Binibining Pilipinas beauty pageant.

Bukod sa ganda at talino, malaking bahagi ng pagiging isang beauty queen ang stage presence, lalo na sa coronation show, kaya todo hataw ang mga binibini sa exercise na ibinibigay sa kanila.

Magaganap ang 2020 Binibining Pilipinas coronation night sa Abril 26. -- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.