Cool off? Catriona 'isasantabi' muna ang love life

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2019 09:58 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isasantabi muna ni Catriona Gray ang kaniyang lovelife para masentro ang kaniyang atensiyon sa pagsisilbi bilang Miss Universe.

Sa kaniyang unang panayam matapos ang pag-uwi sa Pilipinas para sa homecoming celebration, sinabi ni Gray na sa kawanggawa muna niya itutuon ang atensiyon.

Nauna nang napabalitang cool off umano sina Gray at nobyo niyang modelo na si Clint Bondad noon pang Disyembre. 

Pinapili rin siya kung korona o pag-ibig ang kaniyang pipiliin. 

"The crown muna... It's a once in a lifetime opportunity. And the distance [between me and Bondad]. I'm a very focused person so I really do wanna give everything I have to this journey," paliwanag ni Gray.

Sinabi naman ni Gray na una niyang babalikan ang mga kapospalad na kabataan ng "Young Focus" sa Tondo, Maynila, na ibinida niya noong Miss Universe competition. 

Samantala, excited na si Gray sa kaniyang grand parade sa Huwebes sakay ng kaniyang "lava float" na idinisenyo ni Fritz Silorio.

Tampok din si Gray sa programang "It's Showtime" sa darating na Biyernes.

—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.