Ang bangka na nanalo ng first prize sa Fluvial Parada sa Baguio City. Retrato mula kay Jobelle Galapate
Labindalawang bangka ang pumarada sa Burnham Park sa Baguio City para sa fluvial parade ng taunang selebrasyon ng Panagbenga Linggo ng umaga.
Isa ang fluvial parade sa mga aktibidad para sa taunang selebrasyon ng Panagbenga.
Ayon sa Department of Tourism- Cordillera Administrative Office , Philippine Folklore ang tema ng Fluvial Parade ngayong taon.
Makikita sa mga larawan na kabilang sa mga disenyo ng mga bangka ay halaw sa Maria Makiling, Ibong Adarna, at Idianale na Diwata ng Dumangan.
May mga disenyo din na halaw sa vinta, female swan na may Mardi Gras Colors, at pinya.
Bumida din ang bangkang may temang Mermaid Boat ng Aman Sinaya, Alamat ng Pinya, Apat na Elemento ng Mundo, Bugan, Daragang Magayon, Pontoon Boat Masquerade, Male Swan at ang Queen of the Lake na sikat na swan boat sa Burnham Lake.
Ayon sa Department of Tourism- Cordillera Administrative Office, ang mga nanalong disenyo ngayong taon ay ang mga sumusunod:
First Prize: Entry # 5 - Blue Boat
Second Prize: Entry # 11 - Pontoon Boat
Third Prize: Entry # 2 - Golden Seahorse Boat 2
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Panagbenga, Fluvial Parade, Burnham Lake, Burnham Park, bulaklak, Baguio, Flower Festival, Tagalog news, Site only