PANOORIN: Bb. Pilipinas candidates, nagtagisan ng talento

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2018 09:19 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Ipinamalas ng mga pambato sa Binibining Pilipinas 2018 ang kanilang mga kakayahang tumugtog ng instrumento, umawit, at sumayaw sa makulay na talent competition.

Highlight ang showdown sa kantahan nina Catriona Gray at Sigrid Flores.

Angat din ang Bikolanang inhenyera na si Angelie Asuncion sa kaniyang pag-bossa nova.

Gumiling naman si Eva Patalinjug sa sikat na "Cebuana" ni Karencitta habang humugot si Ena Velasco sa "Tala" ni Sarah Geronimo.

Ibinida naman ng aktres na si Vickie Rushton ang pagpapatugtog ng organ. 

Wagi ang modelong si Henna Cajandig sa kaniyang Maranao dance habang nag-pandanggo sa ilaw naman si Sam Bernardo.

Bigo naman ang volleyball star na si Michele Gumabao na ipakita ang tricks ng kaniyang aso.

Kampante naman ang ibang kandidata na makilala rin sila sa iba nilang kakayahan.

Usap-usapan naman ang kandidatang si Jehza Huelar na pinayagang lumahok kahit engaged o ikakasal na sa basketball player na si Peter June Simon ng Magnolia Hotshots.

Mapapanood sa ABS-CBN ang coronation night sa Marso 18.-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.