PatrolPH

PANOORIN: Kristel Fulgar, ipinasilip ang bagong bahay

ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2022 12:27 PM | Updated as of Feb 17 2022 04:37 PM

Screengrab mula sa YouTube
Screengrab mula sa YouTube

MANILA -- "Finally, nakikita ko na 'yung mga bagay na naipundar ko." 

Ito ang sinabi ni Kristel Fulgar nang ipasilip niya ang kanyang bagong bahay, na aniya'y bunga ng kanyang pagtatrabaho sa showbiz.

Sa kanyang bagong vlog, ipinakita ng aktres ang unti-unting pagbuo ng bagong tahanan ng kanyang pamilya, hanggang sa paglipat nila ng mga kagamitan.

Aniya, nais niyang ma-inspire ang mga manonood, pati na rin ang magiging anak niya balang araw, na maging masipag at magkaroon ng pangarap sa buhay. 

"Gusto kong ipapanood sa kanila ito para makita nila kung ano 'yung mga pinaghirapan ko sa buhay. Na simula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki, pinaghirapan ko," ani Fulgar. 

"Hindi ko in-expect na at this age magkakaroon ako ng sarili kong bahay," dagdag niya. "Hindi ko alam na magiging ganito ako katagal sa industriya ng showbiz kasi bata pa lang ako alam ko nang hindi forever ang showbiz. Kaya nagpursige akong makatapos ng pag-aaral para alam kong magkakaroon ako ng trabaho kahit hindi na ako artista."

Matapos ang ilang beses na pagdalaw sa construction site, unti-unting bumili si Fulgar at kanyang ina ng mga gamit sa bahay tulad ng mga appliances at furniture.

Tila naging hands-on ang aktres sa buong proseso -- siya mismo ang nagsusukat ng mga bintana, namimili ng mga gamit, at naglalagay ng mga groceries at ibang kagamitan sa kanyang bagong bahay.

Narito ang kanyang vlog:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.