RECIPE: Chicken pipian

ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2020 01:20 PM | Updated as of Feb 17 2020 01:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kung naghahanap ng bagong ulam na puwedeng ihain, subukan ang chicken pipian, isang Ilokano dish na inspired ng Mexican cuisine.

Ibinahagi ni chef Markus Patimo sa “Umagang Kay Ganda” ang paraan ng pagluto sa naturang putahe.

Narito ang mga sangkap:

  • kilo ng manok
  • ½ tasa ng bigas (sinangag at dinurog nang bahagya)
  • 2 tasa ng chicken stock
  • 2 tasa ng tubig
  • 1 kutsara ng annatto powder
  • Pampaasim
  • Cilantro leaves
  • Tanglad
  • Oregano leaves
  • 1 tali ng spinach
  • 1 piraso ng bawang
  • 1 piraso ng sibuyas
  • 1 kutsara ng patis
  • Mantika

Narito ang proseso ng pagluluto ng chicken pipian:

  • Iprito ang manok hanggang mag-golden brown tapos itabi.
  • Maggisa ng sibuyas at bawang sa kawaling pinagprituhan ng manok.
  • Lagyan ng tubig, chicken, stock, at annatto powder, at paghalu-haluin ang mga sangkap.
  • Ilagay ang cilantro, tanglad, oregano, at toasted rice. Hayaang kumulo at haluin ang mga sangkap para hindi masyadong lumapot.
  • Kapag kumulo na, ibalik ang manok at hayaan lang sa loob ng 30 minuto.
  • Lagyan ng pampaasim at timplahan ng patis.
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.