PatrolPH

Stress maaaring magdulot ng diabetes?

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2019 04:25 PM | Updated as of Feb 16 2019 04:33 PM

Watch more on iWantTFC

May kinalaman ba ang stress sa pagkakaroon ng diabetes o sobrang pagtaas ng nibel ng blood sugar sa katawan? 

Bukod sa madalas na pagkain ng matatamis na pagkain, may ugnayan ang stress at diabete.

Ayon sa endocrinologist na si Dr. Mia Fojas, may ganoong kondisyon na kung tawagin ay stress hyperglycemia o stress diabetes.

Paliwanag ni Fojas, na pangulo ng Philippine Society of Endocrinology, Diabetes and Metabolism, dulot daw ito ng hormone na cortisol, na nagdudulot ng pagtaas sa blood sugar.

"Stress can increase your blood sugar. [Pag tumataas] ang cortisol, hormone 'yan sa katawan na pag tumataas, tumataas din ang blood sugar nila," ani Fojas sa "Good Vibes" ng DZMM. 

Bukod sa stress ay maaaring magdulot din ng pagtaas ng blood sugar ang kakulangan sa tulog. 

Ani Fojas, ang mga magkakaroon ng diabetes ay inaabisuhang magkaroon ng blood test kada tatlong buwan para mabantayan ang kanilang blood sugar sa katawan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.