MAYNILA - Maaaring makaranas ng heart attack nang hindi nararamdaman ang sintomas nito, ayon sa isang doktor.
Ayon kay Nemy Nicodemus, isang endocrinologist, tinatawag itong "silent heart attack" na karaniwang nakikita sa mga diabetic.
Kaakibat ito ng pagkakaroon ng neuropathy - isang sintomas ng diabetes - kung saan namamanhid ang mga ugat ng isang pasyente.
"Kasi may mga taong namamanhid ang kanilang nerves, hindi nila alam na 'yun palang puso nila sumasakit na," ani Nicodemus sa programang "Good Vibes" ng radyo DZMM.
"Hindi nila nararamdaman na sumisikip na iyong dibdib pero inaatake na ang kanilang puso. Iyon ang delikado," ani Nicodemus.
Nasa 80 porsiyentong taong may diabetes umano ang namamatay sa heart attack o stroke, ayon kay Nicodemus.
Kaya payo niya, magpanatili ng magandang diet at piliing maigi ang kinakain.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, diabetes, Good Vibes, sakit sa puso, heart attack, silent heart attack